Average internet speed of Converge ICT Fiber X plan 1500 is around 15-18 mbps. The plan is maxed at 25 mbps with 30% minimum speed and 70% service reliability |
Hello Guys! This is Marc at ngayon lang ako maglalabas ng tagalog na blog para matulungan ung mga taong mamili ng internet para sa personal na kunsumption. Itong article na to ay naglalayon na bigyan ng idea ang mga tao sa bilis ng internet na sa tingin ko ay fair na para lahat. Itong article na to ay tutulungan din kayong mamili ng tamang internet speed, ngayon tuturuan ko kayo ng trick kung tama lang ba o kulang ung 5 mbps na internet para sa consumo nyo.
Hindi lahat ng tao ay nagreresearch bago pumirma ng kung ano ano, minsan nagiging impulsive tayo sa pagbili lalo na kung wala tayong idea sa mga serbisyo na binabayaran natin, mas madalas tayong nasasales talk ng mga ahenteng gusto lang ay makabenta para sa kumisyon. Mas madalas tayo nadadala ng mga "Promo" katulad ng "Zero" installation fee, na minsan nakakapahamak pa sa atin at dahil dyan napapasubo tayo ng wala sa oras. Tatalakayin ko ung mga aspect na dapat nyong tignan bago kayo magreklamo sa inyong internet provider. Bago kayo magwala sa telepono maiging basahin nyong mabuti tong article na to para alam nyo kung mabilis ba o hindi ang 5mbps na internet connection nyo.
Disclaimer: This is not a sponsored post. I am not paid to do articles which may advertise other Internet Service Providers in the Philippines. I previously worked for 2 years for Converge ICT in 2015-2017 and is no longer affiliated with the company.
Unang factor na dapat tinitignan ay ang "mbps" na download ng iyong internet. Technically mabilis ang 5mbps kung tutuusin, pero ang secret para malaman mo kung tama lang ba ung internet speed mo ay malaman kung ilan ba talaga ang binubugang internet nito.
Nirerecommenda ko ang 5mbps na internet kung:
- 1 - 2 user lang ang magkasabay na gagamit
- Hindi mahilig mag stream ng video ang mga gumagamit
- Ginagamit lang para mag Facebook / Instagram / social media o chat
- Pang simpleng video call
- Pang back-up na internet
- Online teaching (Solo mo ang internet)
- Work from home / Virtual assistant
- Magbasa casually ng mga balita sa internet
- Light internet browsing
- Online shopping
Hindi ko nirerecommenda ang 5mbps na internet kung:
- More than 3 user ang magkasabay na gagamit
- Mahilig manood lahat ng users sa YouTube o Facebook.
- Nangangailangan ka ng high resolution sa live streaming mo
- Online Teaching habang may ibang users sa parehong internet
- Sabay sabay na video call.
- Work-from-home video editor ka
- Mahilig ka magdownload ng movie / Magstream ng Movie
- Manonood ka ng HD quality sa Netflix sa SmartTV
Kung tutuusin ang 5mbps ay desente na kung magisa kang gumagamit, pero kung yung apps at mga activities mo ay nangangailangan ng malaking data ay mahihirapan kang kumilos dahil hinihigop ng ibang user ang internet speed o bandwith. Marami ang nagrereklamo sa service provider na masyadong mataas ang utilization ng internet pero minsan fault din natin dahil masyadong nagdedemand ng data ung activity mo sa internet.
Ano ang sagad na download speed ng 5mbps?
Ang 5mbps ay katumbas ng sagad na 0.5-0.6 mbps o 530-610 kbps.
Ang 5mbps na internet connection ay hindi nagtratranslate into pure 5mbps na download speed. Namimissunderstood ng lahat na kapag sinabing 5mbps ang internet ang download speed dapat ay 5mbps. Pero dahil nagtrabaho din ako sa ISP dati, nalaman ko na ang 5mbps ay paghahatian ng bawat "node" o ung "cabinet" sa poste. For example, kung sampu kayong nka 5mbps sa isang poste, maghahati-hati kayo dun sa speed na nka allot dun sa poste. Kung 5mbps ang internet mo, makukuha mo lang dyan at average na 10% ng internet speed mo (which is 0.5mbps). Para maging pantay pantay ang consumo sa lahat ng mga nakaconnecta dun sa poste.
Maniwala man kayo o hindi, yan ang basic computation. Katulad ko, mayroon akong 25mbps na internet, so ang nakukuha kong download speed ay 2.5mbps. Sa totoo lang, kung solo ka lang na naka-tap sa poste, okay yan dahil minsan lalagpas pa sa 10% ung makukuha mo dahil wala ka nangang kahati, pero kung marami kayo, mas sigurado ako na unstable ung bilis ng internet mo na minsan mahina at minsan malakas.
Hindi porket 5mbps ang internet mo, ay lahat kayo ay mayroong 5mbps na internet. ang mangyayari ay maghahati-hati kayo sa 5mbps.
Sabihin na nating hindi ka lang mag-isa o sabihin na nating may kahati ka sa pag gamit sa internet, magiging iba nanaman ang nakukuha mong speed dahil maghahati-hati kayo sa bandwith. ganito ang magiging hatian depende sa kung gaano kayo kadami sa bahay.
Makikita sa data sa baba ang natatanggap na internet speed batay sa ilang users ang gumagamit
- 1 user - 0.5 mbps
- 2 users - 0.25mbps
- 3 users - 0.16mbps
- 5 users - 0.1mbps
- 10 users - 0.05mbps
Ang computation nito ay 0.5mbps divided by number of users.
Example: 0.5mbps / 3 users = 0.16mbps
ipagpalagay natin na lahat ng user ay active at sabay sabay na gumagamit ng internet, makikita sa taas na chart na habang dumadami ang user ay lalong bumabagal ang internet. Hindi porket sinabi kong 11 minutes lang kayang idownload ng 5mbps na internet connection ang isang 1080p HD movie, hindi ibig sabihin na pareho lang ito kapag dumadami ang user.
Gaano kabilis magdownload ng Videos ang 5mbps na internet?
Movies at mga Video files. - Ang average na file size ng bawat sampung minuto ng internet video ay sumusunod. Gawin nating example ang panonood ng isang sampung minuto na YouTube o Facebook video sa iba ibang format.
Video Resolution Data Consumption
- 144p -5.8mb/ 10min
- 240p - 27.6mb/ 10min
- 360p - 53mb/ 10min
- 480p - 73mb/ 10min
- 720p - 277mb / 10min
- 1080p - 653mb/ 10min
So, gamit ang basis na 0.5mbps ang natatanggap mong internet speed, ganito kabilis magload ung video base sa resolution nila.
Video Stream 10 min video: 5 mbps internet speed = 1 tao lang ang gumagamit
- 144p -5.8mb = 11.6 seconds
- 240p - 27.6mb = 55.2 seconds
- 360p - 53mb = 2 minutes
- 480p - 73mb = 2 minutes & 30 seconds
- 720p - 277mb / 9 minutes & 23 seconds
- 1080p - 653mb/ 11 minutes & 20 seconds
Mukhang mabilis na rin naman ung 5 mbps para sa video. Pero take note na hindi yan ang actual na download speed ng 5 mbps. Oo, mabilis ang 5 mbps kung mag isa ka lang gagamit dahil sa nakikita mo sa computation sa taas. Pero take note ha, isang tao lang to, kapag dumami na ang nagkasabay-sabay na nagiinternet magiging mas mabagal matapos ang download.
Video Stream : 5 mbps vs 25 mbps internet speed
Makikita dito sa chart ko sa baba kung gaano kabilis matatapos magdownload ang isang 10 minute na movie gamit pareho ang 5mbps na internet laban sa 25mbps na internet.
5mbps
- 144p -5.8mb = 11.6 seconds kada 10 min na video
- 240p - 27.6mb = 55.2 seconds kada 10 min na video
- 360p - 53mb = 2 minutes kada 10 min na video
- 480p - 73mb = 2 minutes & 30 seconds kada 10 min na video
- 720p - 277mb / 9 minutes & 23 seconds kada 10 min na video
- 1080p - 653mb/ 11 minutes & 20 seconds kada 10 min na video
25mbps
- 144p -5.8mb = 2.3 seconds kada 10 min na video
- 240p - 27.6mb = 6 seconds kada 10 min na video
- 360p - 53mb = 9.2 seconds kada 10 min na video
- 480p - 73mb = 29 seconds kada 10 min na video
- 720p - 277mb = 2 minutes kada 10 min na video
- 1080p - 653mb = 4 min and 10 seconds kada 10 min na video
Kung mag isa ka lang naman sa bahay at ikaw lang ang nagaaccess sa internet, sakto na ung 5mbps sayo. pero kung nagdodownload ka ng mas matagal lang, pero kung video lang naman ang consumo mo pwede na ung 5mbps. Maari mong mamisunderstood na pwede na ung 5mbps na internet para sa pamilya mo dahil sa makikita mo mabilis naman din kung tutuusin, pero ito ay base sa isang tao lang.
Papano ba kinocompute ang bilis ng 5 mbps mo kung 3 kayong gumagamit ng video ng sabay-sabay.
5mbps internet usage download chart (10 min video) per 3 users
- 144p -5.8mb = 36.25 seconds para magstream(kada tao)
- 240p - 27.6mb = 55.2 seconds para magstream(kada tao)
- 360p - 53mb = 5 minutes at 50 seconds para magstream(kada tao)
- 480p - 73mb = 7 minutes & 35 seconds para magstream(kada tao)
- 720p - 277mb / 29 minutes para magstream(kada tao)
- 1080p - 653mb/ 1 hour 8 minutes & 04 seconds para magstream(kada tao)
Kung makikita nyo pag tatlo na ang user, nagiging impossible na mag load ng 1080p na video dahil malaki na ang binagal ng 5mbps na internet. Kaya kung nagkakasabaysabay ang gumagamit at pare-pareho kayong nanonood ng video, mapapansin mo na mababa na ang quality (240p) na ang video dahil nauubos ang bandwith ng ibang user. Hindi pantay pantay ang pag sipsip ng internet ng bawat devices, kaya naman minsan hindi lang 0.16mpbs ang natatanggap mo, minsan mas mababa pa sa 0.16mbps lalo na kung ung ibang gumagamit ay nangangailangan ng mas mataas na data.
Usage
Sa experience ko, decent naman ung 5mbps kasi hindi lahat ng users ay hindi malakas magdownload. Pero sa experience ko, nagkukulang na ung 5mbps pag mayroon isa sa users na nanonood ng video, sigurado mahihila ang speed nung mga ibang gumagamit. Kaya kung marami kayo sa bahay na users maigi na tanchahin kung hindi na katanggap tanggap ung bilis ng internet mo, kung feeling mo mabagal ang internet mo, ugaliin mong magcheck ng bandwith. Siguraduhin lang na ikaw lang ang nakaconnect sa router at walang streaming or activity ung device mo para malaman mo kung tama ba ung internet speed mo. Ka connect mo ulit sa ibang devices at super bagal ng internet mo, ibig sabihin nun na mataas na ang data consumption na kinakailangan ng household nyo. Siguro un na ung time para mag upgrade kayo ng internet.
Comments